January 9, 2016

Viva Senor Nazareno!

Viva Jesus Nazareno!

Minor Basilica of the Black Nazarene or most of us know as Quiapo Church is a very special church for me. i remember the times when me and my college friends always make it up to attend First Friday Mass. but i really can’t call myself a devotee. believer is more appreciated description. kahit ngaun na may kanya kanya na kaming trabaho at may kanya kanya na kaming mga buhay, kahit ako nalang minsan mag-isa, i still make it appoint to go here. it’s not really a “panata” but nakasanayan ko na talaga na mag simba dito every First Friday of the month.

minsan na nga lang sa isang buwan ipagkakait ko pa ba ang oras ko sa Kanya?
i admit i’m not really a dutiful Sunday church-goer. bilang lang ang mga Linggo na nakakapagsimba ako.
hey! before you crucify me, this is a reminder

“Let him who is without sin among you be the first to throw a stone at her.” John 8:7.

hahaha
galawang excuse ang peg!

no, seriously, i know i have a lot of shortcomings when we talk about Christian responsibilities. And God has been so kind all the time in spite of these.  all the blessings and the fact that i’m still breathing and writing this post is a testament of His love and understanding.
that’s why i said to myself that i’ll make it appoint to go to church at least every First Friday man lang to hear the Good News.

my mom has a nice story about it. sabi niya sakin, sa Baclaran Church daw, mabilis makarating sa altar yung mga nagdadasal ng nakaluhod kahit na mahaba yung simbahan. samantalang sa Quiapo daw, kahit maiksi lang papunta sa altar, napakatagal daw bago makarating at talagang hirap daw ang tuhod sa pagluhod. sabi niya ang paliwanag daw dun ng mga matatanda ay dahil sobrang maawaain at mapagbigay ang Ina. si Nazareno naman daw, gustong patunayan at makita ang sinseridad kaya pinadadaan ang tao sa pagsubok. well, those were just good old stories.

i had a classmate way back in college whom i had a conversation regarding such topic.

he: “hindi naman kailangan magpunta parati sa simbahan para lang marinig ka ng Diyos. kahit nasa bahay ka lang o kahit nasan ka basta magdasal ka lang ng mataimtim, okay na yun. maririning ka na.”

he has a point. talaga naman kahit nasan ka basta magdasal ka lang ng taimtim at taus-puso maririnig ka talaga niya. so in response,

me: “alam ko naman yun. ang sinasabi ko lang, bakit ba itinayo ang mga simbahan na yan? Syempre para puntahan ng tao. para mas lalo silang mapalapit sa Diyos. kung lahat ng tao eh mag dadasal nalang sa mga bahay nila, anu pang silbi ng simbahan? tahanan yan ng Diyos. hindi ba mas ok humingi ng tawad o humiling ng biyaya kapag personal mong pinuntahan sa tahanan Niya mismo? kaya puntahan nyo naman diba?” 

anyways, that’s it! :)

i hope this year’s procession will be safe. hindi maiiwasan ang may masaktan sa event na ito dahil sa dami ng mga deboto but hopefully, wala naman sanang casualty.

sabi dito ng isang ka work mate ko, “sir di ka pupunta sa Quiapo ngayon?”

and i told her, nakapagsimba na ako nung Friday. babalik nalang ako sa Sunday ulit. saka para talaga ang araw na ito sa mga talagang deboto at mananampalataya. isa pa, tignan mo nga itsura ng katawan ko?? di ka ba naaawa? sa payat kong to tingin mo may chance ako sa paghawak sa lubid kahit katiting?
hahaha

again, happy Fiesta sa mga taga Quiapo.

God bless us all!


christiansantamaria


January 09, 2016 hospital

7 comments:

  1. I don't really practice much roman catholic rituals and other norms but my faith is definitely strong. I know that god will provide what we need and want in ways we may or may not notice :) God Bless btw

    ReplyDelete
    Replies
    1. true that! God bless you as well, Simon.
      how do i btw pronounce your name?
      is it see-mon or sigh-mon?
      wala lang. wala ng maitanung eh :D

      Delete
  2. I plan to witness the 'traslacion'... pero di ako natuloy :(

    Hindi rin ako pala-simba tuwing linggo... and like you, I am really thankful for the blessings na meron ako kahit na hindi ako ganun ka-relihiyoso.

    Pero sana mapagtuunan ko rin ng pansin ang spiritual life ko.

    Sa totoo lang minsan may halong takot o pangamba ako sa mga taong masyadong 'religious' kasi naa-upset ako kapag di nila nagagawa o napapatunayan yung 'faith' meron kuno sila, saka minsan may iilan talagang magaspang ang ugali kahit relihiyoso na. Natatakot ako na maging religious at maging katulad lang din nila.

    Kaya ito, I'm still looking forward for a spiritual journey.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay sayang naman. bakit di ka natuloy?
      sa 2017 punta tayo?
      haha

      nako marami talagang ganyan. catholic by the "name".
      pero in practice and actuality wala.
      minsan nahihiya ako para sa iba sa atin eh. kasi minsan tayo pa yung malakas mang brusko sa ibang relihiyon or sekta.

      anyways, i wish you well in your journey :)

      Delete
  3. hi christian! i dont know how you stumbled upon my blog. ive been out of the "blogsphere" for years and i seldom open my site. anyway, i really appreciate your comment, thank you for taking the time to read my drama. see you around!

    ReplyDelete
    Replies
    1. aside from the fact that the drama is relatable to me, i'm a fan eh ;)

      Delete
    2. oh i forgot to answer your question.
      i'm a follower of you way back. i have been inactive here as well for almost 3 years since my last post way back in 2013 :)

      Delete