January 30, 2013

tigang

"friend, nasan ka? miss na kita. Sol."
text messsage na natanggap ko mula sa 4th floor.

"andito ko sa office. last na text ko na wala ko load. try mo gumamit ng telepono"
magalang kong reply mula sa 2nd floor.

itago nalang natin ang butihin kong kaibigan sa pangalang Soledad (lakas maka Westlife). isa siyang Respiratory Therapist dito sa ospital at isa sa mga piling kaibigan ko (yes, namimili po ako ng friends...char).
matagal ng biyuda si Sol at may isang anak. sa ngayon ay 4 years na siyang may karelasyon subalit nuong isang taon ay nangibang bayan ito para magtrabaho. sa madaling sabi, 1 taon na siyang nasa LDR status.
ngunit hindi lang status ang problema. pakiramdam daw niya ay hindi lang ito nangibang bayan kundi nangibang babae din. hehehe

hemingways, wag na natin himayin ang masalimuot niyang lab layf. duon tayo sa lighter part (effect!)
habang umay na umay ako hinggil sa mga hinanakit niya, napadako ang usapan namin sa "sex life". hindi ako ang nag open ng topic na 'to pramis! hahaha
ikaw niya, kadalasan daw ay nakadarama siya ng pananabik sa malalamig na gabi.
bagaman seryoso siya sa sinabi niyang yun, hindi ko maiwasang suklian ng halakhak. minsan nalang daw nga ay niyayakap niya ang kanyang unan ng mahigpit, umiiyak at pinaliligaya ang sarili. sex toy ang peg?? CHAROT!
hahaha


seriously, hindi naman ako natawa dahil sa kawalan niya ng sex life habang ako naman ay sagana.
ipinaunawa ko sa kanya na normal lang naman ang kanyang nararamdaman at may basehan naman kaya masasabing hindi lang basta libido.
mega explain pa ko ng walang kamatayan kong alibi pag nangangati. lol
thank you, Maslow.




in fairness, somewhere in time, relate din naman ako sa situation. yun nga lang, lalaki pa din ako at babae siya. kung maghanap ako sex, it wouldn't be much of an issue. wala naman mawawala, ika nga nila.
pero kapag babae ang longing for it, iba ang dating.
naisip ko itanung kung hindi ba siya nagta'try bumirit ng "All By Myself". pero naisip ko din sa sarili ko na iba pa din kasi talaga kung "Careless Whisper". hahaha

nauunawaan ko naman siya dahil kung yung mga single (excuse me po) nga nakakaranas ng ganun, sila pa kaya na may anak na. sinabi ko sa kanya na wag siyang mawalan ng pag-asa at kinumpara ang 1 taong katigangan niya sa ibang tigang na mas severe ang case.
bagaman alam ko ang pinagdadaanan ng kasalatan niya, nakatutuwang isipin na kahit pala mga babae (or maybe siya lang yun? hahaha) ay nakapagiisip ng kung anez anez na kamunduhan.
kesyo't minsan nga daw ay naiisip niyang patulan yung may gusto sa kanya, o kaya ay kumuha ng call boy, o di kaya ay makipag one night stand sa mga lalaking tigang din. hahaha
aliw na aliw talaga ako sa mga pinagsasabi niya.
hayss...pasalamat ko nalang din talaga at lalake ako. sabihin pa, active naman ang sex life ko ngayon.
ayun... natapos ang aming usapan sa pagpapaalala ko sa kanya na kung di niya mapigil ang tawag ng laman, sasamahan ko siya at sabay kaming pi'pick up. hahaha
biro lang.

sa ngayon, magtitiis muna siya sa pagsasamantala sa kanyang unan. kaawa-awang unan, walang kalaban laban. yakap ang unan niya habang background ang kantang ito ni Mimi...




or pwede rin ito...






[christiansantamaria]


January 30, 2013 hospital

4 comments:

  1. haha ikaw na sagana! haha
    well lalo satin mga kalalakihan ee masasabing necessity na ang sex
    hahaha anu daw?

    ReplyDelete
  2. kakatuwa ang post na ito... galing... mapapadalas ang aking pagtambay dito... sarap mag-emo with the music eh... i'll back read pa some of your post.. ang linis ng layout ng page mo...kainggit

    ReplyDelete
  3. @mecoy tawa ka ng tawa dyan? para kang kinikilig sa "sex". hehehe

    @Senyor thank you po. minsan ka ng napadpad dito sa blog ko. akala ko na follow kita dati nakalimutan ko siguro. natutuwa rin po ako sa posts mo. :) saka wag mo na natin intindihin yung layout. yung entry ang mas mahalaga ;)

    ReplyDelete