February 13, 2012

pasensya

nakakain ka na ba nito?


hindi ko na maalala kung kelan ako huling nakatikim nito. ni hindi ko na nga matandaan kung anung lasa nito eh.
hindi man ito ang paboritong biscuit/cookies ko, pakiramdam ko busog na busog ang katawan ko dito.
anyways, wala naman yan kinalaman talaga sa post na ito.


-----
hindi ko talaga ugali ang magtanim ng galit o sama ng loob. kung may isang bagay na natutunan ko sa karanasan, ito ay ang paglimot sa mga bagay-bagay na nagdulot at patuloy na nagdudulot ng sakit at hinanakit.
sinimulan ko sa mga maliliit na bagay. kapag pakiramdam ko hindi na dapat pang palakihin at pwede ng palampasin, hinahayaan ko na...pinagpapasensyahan ko na...
nuong una hindi ito naging madali lalo na kung labis akong nasaktan o nagalit. pero kalaunan, pinilit ko itong isaisip at ginawa ko ng prinsipyo sa buhay.
na ang pagpapatawad ay isang bagay na hindi mu laman ginagawa para sa iba, kundi para na rin sa sarili mo mismo.

katulad ng lagi kong sinasabi, kapag nagpatawad ka, mas magaan sa pakiramdam, malinis ang konsensya mo at wala kang anumang iniisip.
higit sa lahat, pinalalaya mo ang sarili mo sa tanikala ng kahapon upang magpatuloy sa buhay at harapin ang bukas ng walang anumang dinadalang mabigat sa puso.
kapag galit o masama ang loob ko sa isang tao, hindi ko muna kinikibo o pinapansin.
yun ay dahil iniiwasan kong makapagbitaw ng anumang bagay na hindi maganda dala ng init ng ulo.
sabi nga nila, kapag galit ka, manahimik ka. dahil anumang salitang pakawalan mo ay hindi na maibabalik pa.
at kapag alam kong ayos na ako, ako mismo ang gumagawa ng paraan para makipag-usap.
ganito ako sa kahit na sino. ako man ang may kasalanan o hindi, ako talaga ang kadalasang nakikipag-usap dahil nga ayokong magdala ng galit o sama ng loob sa mahabang panahon.
tuya nga ng isang kabigan ko,
"ang bait mo talaga. yan naman ang gusto ko sayo eh. iba ka dyan...bilis mo mag move-on..."

hehehe
pero minsan, may mga pagkakataon na pakiramdam ko sinusubukan talaga ng iba ang pasensya ko. yun bang tipong porket alam nilang mabait(?) ka, aabusuhin ka nila...aasarin...paulit-ulit...parang nakakaloko...parang nakakagago...
siguro dahil alam nilang mapapatawad sila kapag nag sorry sila.
dun ko naiisip na minsan kapag pinalalampas ko ang mga maliliit na pagkakamali, kapag nagpatung-patong, nakakarindi rin pala.

kapag ganun pakiramdam ko wala akong ibang pagpipilian kundi ang huwag silang kausapin sa mahabang panahon.
pakiramdam ko mas ayos pang isipin nilang galit ako.
kase para sakin mas ok siguro yung ma'realized nila mismo sa sarili nila kung anung mali nila, kesa naman ako pa ang magpamuka nun sa kanila.
ewan ko kung tama yun...hindi ko alam.
basta ang alam ko lang, hindi ko man ugaling mantikis ng tao, minsan naiisip kong kailangan yun para matuto sila. para hindi nila maabuso ang anumang kabaitang pinakikita mo...




[christiansantamaria]


February 13, 2012 residence

4 comments: