February 28, 2012

opinionated lang daw

______________________________________________________________________________
mangyaring pakibasa po muna ang pulang link upang higit na maunawaan ang mga tauhan sa kwento...KUNG gusto lang po naman. hehehe. salamat.
______________________________________________________________________________


sa nakaraang entry ko lamang bago ang isang ’to, nabanggit kong lumabas ako kasama ang ilang kaibigan. bukod sa taguan at bistuhan na naganap sa pagitan namen tatlo nila H at L, napagusapan din namen ang love interest (palang) ni H dito sa manila, si C.
galing din sya sa social site kung saan kame nagkakila-kilala nina L at H.
ayon kay H, wala naman daw silang tampuhan ni C pero medyo matagal na daw silang hindi nakakapagusap dahil busy ang isa’t-isa. nagtanung lang sya ng mga kaganapan tungkol kay C.

at ako naman bilang generous na kabigan ay nagkwento ng lahat ng mga gusto nyang malaman at  nagbigay na rin ng opinyon tungkol sa kung anu ba ang sa tingin ko ay tama at nararapat nilang gawin dalawa.
hayys...napaka opinionated ko talaga minsan. lol
pero hindi lang naman yata ako eh. ang balita ko ;



well going back, hindi ko naman mawari kung anu ang nasabi ko na tila ba nagpalala pa yata ng sitwasyon dahil taliwas sa aking inasahan, lalong hindi nagusap ang dalawa dahil umiiwas na si H kay C na ikinabahala ng huli.

kaya naman kinabukasan matapos ang gabi ng sabadong 'yon...
C kay L: kamusta yung lakad nyu kagabi? kamusta si H? anu napagusapan nyu? may mag napagusapan ba kayo tungkol saken? pakiramdam ko kasi iniiwasan ako ni H.

at dahil wala naman kaming itinatago sa aming mga napagusapan...
binanggit ni L ang lahat ng aming pinagusapan.


makalipas ang ilang araw ay nagkausap na rin ang dalawa...
C kay H: kamusta na? kamusta pala yung lakad nyu last time? may mga nasabi ba sayo sina L at Christian? Pakiramdam ko kase iniiwasan mo ko eh.
H: ahh…wala naman...busy lang talaga.


hanggang sa kagabi…
C sa akin: Christian, busy ka ba? gusto ko lang sana ma vent out. medyo masama kase ang loob ko. i know you would totally understand.


---------
ang totoo nagulat ako. hahaha
hindi ko naman kase alam ang mga nabanggit na mga pangyayari sa taas at kagabi ko lamang nalaman kay C mismo ang palitan nila ng mga tawag na yan.
hindi ko alam na may ganung mga kaganapan na pala. hindi man lang ako na informed! lol
kung babalikan ang gabing 'yon, hindi ko alam kong dulas lang ba ng dila ang nangyari o nadala lang sa takbo ng usapan kaya naman may ilang mga bagay na nasabi kami (ni L) na siguro ay dapat makabubuting magmula nalang sa kanilang dalawa.

pakiramdam ko napangunahan namen sila sa mga bagay na dapat ay sa kanila nalang mismo manggaling at pagusapan.
mga bagay na sila nalang mismo ang mag’initiate.
kung minsan ganoon nga siguro talaga…
gaano man kalinis ang intensyon mo na tumulong sa mga kaibigan mo lalo na sa personal na bagay, may mga pagkakataon na dapat ay hinahayaan nalang na sila ang lumutas…
ang hirap talaga ng masyadong maraming alam sa buhay ng iba. dapat laging tatalima sa "less talk, less mistake"
well, alam ko naman yun.
kaya lang kase sa kaso ng dalawang yun, kailangan talaga nila ng intervention. lol
pero ayaw ko naman magkaroon ng nominasyon!



mali lang talaga siguro yung timing ko?!? hahaha

well, alam ko naman maaayos din ng dalawang ’yon sa tamang oras kung anuman ang nagaganap sa kanila...
at bagaman wala naman akong maisip na anumang bagay na nakasama sa aming paguusap, dahil sa sobrang guilty ko ay kinausap ko sila H at C.
sinabi naman nilang wala kaming kinalaman (o ang mga napagusapan namen nung gabing yun) sa kung anu man ang pinagdaraanan nila.

haysss...mabuti naman pala kung ganun. marahil ay may iba pang pangyayari na tanging sila lamang ang nakakaalam. wala naman daw pala kami talagang kinalaman.
ibig sabihin nagsayang lang pala ko ng espasyo dito. ang gulo ng buhay ng dalawang yun. hindi pa man din mag jowa eh. lol


nung tinanung ko ang isang best friend ko kung madaldal ako, ang sabi nya;
"HINDI NAMAN. PERO MINSAN NGA.......YOU HAVE A LOT TO SAY..."


hahahaha! so that makes me opinionated. lol



[christiansantamaria]


February 28, 2012 hospital

0 comments:

Post a Comment