January 30, 2012

MULI (The Affair)


sa wakas! makikita nyu na rin sya sa mga suking tindahan. 2 taon na ang nakararaan nung una kong nakita ang pelikulang 'to. nagustuhan ko ang tema ng kwento kaya sabi ko sa sarili ko na magtatago ako ng kopya nito nang sa gayon ay lagi ko itong mapanuod at maibahagi ko na rin sa mga kaibigan ko.
hindi ko naman inakala na aabutin ng ganito katagal ang paghihintay ko. kahit nuon pa ay tinitignan ko na rin kung meron nang piniratang kopya nito sa mga bangketa sa Quiapo...subalit bigo ako.
kaya naman nung nakita ko sa isang blog na aking sinusundan na may dvd copy na, agad akong bumili at baka ito ay limited stock lang.

marami na rin akong napanuod na mga local indie at pink films at ito ang isa sa mga pinakapaborito ko.
syempre, mananatiling klasiko pa rin ang Brokeback pero hindi maikakaila na nilampasan ng Muli ang aking ekspektasyon kaya't masasabi kong para sa akin ay ito ang pinakamaganda sa lahat ng mga gay indie films na ginawa sa kasalukuyan dito sa Pilipinas.

siguro, isa sa mga dahilan kung bakit gustung-gusto ko ang pelikulang 'to ay sa dahilang nakaka'relate ako hindi lamang sa kabaklaan ng kwento, kundi sa sitwasyon na rin ng mga pangunahing tauhan sa kwento.
ako ay produkto rin ng isang progresibong unibersidad kung saan ang aktibismo ay napakaimpluwensya na kahit ako ay hindi nakatakas mula rito.
sa madaling salita, naging kasapi rin ako ng isang politikal na organisasyon nuong kabataan ko sa kolehiyo.
nasa "black and white" at "diplomasya" na designasyon ang mga gawain ko nuon.
naranasan ko rin umibig at magmahal ng kapwa aktibista subalit sadyang wala akong lakas ng loob magtapat nuong mga panahon na 'yon sa kadahilang alam ko rin sa sarili ko na hindi pa ako ganung kadedikado sa pagkilos. higit sa lahat, alam kong burges pa rin ang pagkatao ko.

masaya sa loob ng kolektiba. marami kang makakasalamuha, makikilala at matututunan na kailan man ay hindi mu mababatid sa silid-aralan.
sa lungkot at saya ay nariyan ang mga kasama sa lahat ng oras at pagkakataon. hindi ko man naranasan mapabilang sa kapatiran/fraternity, para sa akin ay higit pa itong karanasan na hindi ko malilimutan.

teka masyado na kong lumalayo. hahaha
ang gusto ko lang naman sabihin dito talaga ay sana mapanuod nyu ang pelikula kase maganda sya. yun lang naman talaga. haha
ang dami ko pang sinabi nuh? lol


[christiansantamaria]


January 30, 2012 hospital

2 comments: