November 12, 2011

malandi ka din ba?

anu nga ba ang tunay na kahulugan ng KALANDIAN?
may iba’t-ibang uri ba nito?

namamana ba ito? o likas sa tao? o baka naman natututunan lang?
kung namamana ito, sino ang malandi sa family tree? ang nanay? ang tatay? o baka naman ang mga ninuno?
kung likas sa tao ang kalandian ibig sabihin kahit sino pwede maging malandi?
kung napagaaralan naman, sinu-sino ang mga nagtuturo nito?

paano mu malalaman na malandi ka na at hindi na basta friendly?
kelan ba natatawag na malandi?

at ito pa. sakit ba ang pagiging malandi?
kung hindi, ibig sabihin attitude lang yun?
kung oo naman, may lunas ba para dito?
nakakahawa ba ito? at sinu-sino ang mga maaaring mahawa?

naguguluhan ako. bakit yung iba proud na malandi sila. yung iba naman offended?
hayy... ang dami kong tanong!

ahh... siguro para sa akin ang importante alam mo dapat sa sarile mo ang intension sa likod ng mga kinikilos mo. kung totoo ka sa sarile mo at wala kang sinasaktan o inaagrabyado sa paglandi mo, go lang teh!

maging masaya basta siguruhing hindi masagwang tignan ang paraan ng paglandi.
tutal lahat naman tayo may kanya-kanyang landi sa katawan.

nagkakaiba lang sa kung paanu naten ito dinadala, o kung paano naten itinatago sa iba...



[christiansantamaria]


November 11, 2011 residence

0 comments:

Post a Comment