February 18, 2010

still thankful though


Last Monday, I visit an old friend.  Syempre kwentuhan ng mga buhay buhay, kumustahan ng mga work hanggang sa natanung nya ako with regards to mine.

Sabi nya:
“ilan kayo sa unit nyo?”

Sabi ko:
“madalas ako lang eh.”

And then he remarked na hindi daw matatawag na ‘office’ yun kasi mag-isa lang ako at walang tao.
Basically, he has a point.  Hindi ko nga naman matatawag na ‘ideal’ working place/office ang isang lugar kung saan ako lang parati ang tao.  The whole day walang kasama, walang kausap, walang kaharap kundi computer and the entirety of the room itself.  Even though the set-up seems boring, I am helpless but to look at the lighter side.  Marami padin naman dapat ipagpasalamat kesa imaktol.

Una, well compensated naman ako.  Pangalawa, may ginagawa naman ako and that is what matters most.  Mahirap naman yung mag-isa ka nalang tas wala kapang ginagawa.  Ewn ko nalang talaga kung di ka maburyo nun.  Lastly, full access naman ako sa lahat ng mga equipment at supplies.  Syempre implied na yun na pede ko mag-net, mag-print, manuod ng dvd, mag-music, etc! hahaha!
E kasi naman mag-isa lang naman ako nu, what do they expect?  Tumanga ko’t magtrabaho lang??duh…

But later on, sa pagdaan ng mga araw, kahit hindi na nila diretsong sabihin sakin, implied na, na kailangan lang talaga nila ng tatao sa unit.  Someone who is always there to oversees the unit.  Especially one of the unit’s concern is patients’ complains and grievances.  Kahit saan business or establishment naman siguro, kahit wala naman masyadong ginagawa or maliit lang ang function ng isang unit or small department, atleast one or two personnel are always available.  Eh anu naman bang magagawa ko yun ang hinihingi ng pagkakataon at ng posisyon ko eh. Hehehe

Actually nasabi ko naman na dati na kung tutuusin, hndi naman ako nag-iisa talaga dapat.  There are 5 people who head this unit.  But then again just like what I’ve said earlier in my previous post, each of them has their own position and obligations in the hospital kasi puro MedPro silang lahat.  They have their own areas to oversee.  Meaning, the unit is just another load for them.  Well, I guess isa padin sa mga dapat kong ipagpasalamat ay mababait naman sila lahat sakin.  Although 3 lang talaga silang madalas pumupunta dito sa unit paminsan-minsan, I have already met the other two.  Pag naiisip ko nga kung pano ko napunta dito, napapangiti nalang ako.  Preliminary interview sa HR Manager tas final sa Hospital Administrator herself na later on eh nalaman kong sya pala mismo ang may-ari ng ospital!  Medyo na-shock ako syempre hindi naman ganun yung usual process except nalang talaga siguro kung napakataas ng posisyon na inaaplyan mo.

Everytime I think of it, medyo nahihiya ako dahil syempre during the interview I made some lapses dahil syempre kabado ka eh.  Malay ko naman bang sya mismo may-ari ng ospital, sana mega prepare ako at todo rehearse sa mga isasagot ko. Hehehe.
Pero atleast masaya ko at thankful dahil nakalusot, lupet.haha!

Uhm..what else paba?  Sya sige gora lang.  Pagtyagaan hanggat kaya, mahirap maghanap ng work ngayon nu.  Isa pa, hindi na ko bago na nag-iisa sa opisina or kahit walang ginagawa at nakatunganga lang sa computer. hahaha!!!
Immune na ko dyan, halos lahat naranasan ko na ata sa mga ojts diosme..AJA!!



February 18, 2010, 2:21pm


0 comments:

Post a Comment