February 7, 2010

anung meron??

I survived my first week of a roller coaster ride!! And the last day was quite a bonus while I currently writing this one.ha3! (mali pala, saturday whole day din ako!)

Medyo nanibago ko sa set-up ng office at sa mga co-employees themselves. Puro ba naman kasi mga med pro mga kasama ko sa opisina. Take note: med pro from different walks of field pa.he3. Yung isa head nurse, may tiga-pulmo, may obstry at gyne, at yung iba hindi ko pa nakikita ng personal. One thing I really like here although we really have a small office is that it is our own unit. Meaning, hindi kami nakikiopisina sa iba so walang magulo, walang isyu, walang stress coming from other offices. May sarili din CR ( at may shower pa huh) di na kailangan lumabas pa. At ang pinaka malupet sa lahat, ako lang ang tao parate! Ha3!
Panu ba naman lima lang ang personnel na bumubuo sa office na ‘to, pang anim na ko. Eh lahat naman sila mga med practitioners kaya may mga primary duties din silang kailangan asikasuhin at pasyenteng dapat bantayan. And one more thing is that they have their own areas and offices as well. Bale paminsan-minsan lang sila nagpupunta dito sa unit. Like for example, may meeting silang 5 (pero actually 3 lang yung madalas kong makita eh) or may aasikasuhin silang assignment needed to be discussed by all of them or kahit trip lang nilang magpunta.he3.
Bago lang kasi ‘tong unit nila, wala pa daw 2 months. And they were five of them who head this office.

Kailangan nila ng tatao so that somebody has to inform them if there is a need for a certain issue needed to be taken action by the office. Hindi naman ako nag struggle masyado to attain this position. Yun nga lang dalawa talaga kaming pinagpipilian kaya medyo natakot akong hindi matanggap. Glory be to God ako ang nakuha. Bentahe kasi ni ateng kalaban ko is experience from St. Luke’s (pero sya narin mismo nagsabi saken na ipinasok lang sya dun thru relatives). Mabuti nalang kahit papanu nadaan ko sa basic training. Aba, hindi naman ako papatalo kung written test lang din nuh.he3. tsaka siguro medyo natuwa yung nag interview sa mga isinagot ko about my career path (ewan ko lang kung talagang natuwa nga huh. feeling ko lang eh). he3.
Hindi sya katulad nung nag-ojt ako sa ospital na puro non-med staff ang kasama ko sa Records. Eh dito kahit ata record keeper nalang nila nurse pa eh.ha3. Mababait naman mga bossing ko dito eh. Actually kahit naman dati swerte akong mababit mga boss ko eh kahit yung iba pasaway, mababait parin huh.

Nagkataon pang naghahabol kami for PhilHealth Accre at nagkaton pang (pag minamalas ka nga naman) yung isa sa mga boss ko pa ang project head-in-charge sa accre. Ayun unit tuloy namen yung ng’fufunction.

Toooxxicc!!! Paperworks, brainstorming, meetings, seminars etc. Actually ok narin naman yun kesa walang ginagawa nakakainip lalo’t magisa ka lang. Hindi naman nila matutukan maige yung project kasi nga even all of them, busy rin of their own responsibilities in the hospital. Mga pasaway!ha5!

Ang ending ako ang magiging running machine ng office.ha5!
Anu ba?! Office staff nga lang ang natatandaan kong in’applyan ko dito eh malay ko naman bang unit secretary and labas ko nito?!?! At yun talaga ang pakilala nung isang boss kong taga pulmo ha? Sabi ba naman nya pagpinakikilala nya ko;
sya yung bago namen secretary’
oh diba sosyal pakinggan nakakakilig pero parang mawiwindang ka. Maloko din yun s imam eh tamang painosente ba naman mangtrip kung ano daw ba at para saan yung BOA?ha3!
anyways, ang salary wag ng tanungin pero auz lang naman. Pwedeng makabuhay.he3.



- nakalimutan kong i'indicate yung date eh. Naging problema ko pa 'tong post na 'to nuh! Nakalimutan kong burahin nangmba akong may makakita sa kanila. ha5

0 comments:

Post a Comment