January 4, 2010

what has been

2009 in all fairness is a very memorable year for me. This is the year of my college graduation, wherein last of every moment counts. Ito yung beses na nakasama ko ang mga kaibigan ko bilang mga kaklase at posibleng huling beses na makita ko pa ng personal ang ilan sa kanila. Syempre, ito yung huling beses na naging estudyante ako. Sayang nga lang hindi ako masyado nakapag blog way back school days or even after our grad dahil kelan lang naman ako naging ‘certified blogger’ hehehe.. Well anyways, the first quarter or the first half of the year became good and favorable to me. I just enjoyed those days when all’s well and smooth. Even though medyo nagkaron nga lang ako ng konting problema before graduation, I was very thankful that I managed to solve it through luck and a lot of prayers.

After our graduation, medyo unti-unti na kong inalat. Kahit pakiramdam ko ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko kasabay ng maraming dasal, naging sunud-sunod parin ang kabiguan ko sa ilang mga bagay. Sabi nga ng isang kaibigan ko, siguro daw naubos o nasagad na yung swerte namen nun nasolved yung problema namen sa graduation. Yung kaibigan kong ‘yon halos pareho kame ng kinahinatnan. Parehas kameng nagka problema before graduation and at the same time, parehas din kameng di pa nakukuha yung TOR namen dahil parehas din kameng di pa nagpapasa ng BC until now. hahaha! Friends through thick and thick! haha. Mabuti pa yung ibang mga kakilala namen na hindi mo inaasahan eh sila pa yung maagang nakapagtrabaho. Pero nangyari na ang nangyari eh. It all happened and there’s nothing we can do to change what’s past.

But then again sabi ko nga, even though hindi masyadong naging maganda at favorable ang nakaraang 7 months, kahit papano I should be thankful with all the blessings we received during those times. Medyo nakakadisappoint nga lang at nakalulungkot isipin na sana mas masaya at plenty ang pasko namen ngayong taon kung may work lang ako. Hindi ko masasabi na pinakamalungkot na pasko ito para samen. Pero para sa akin lang, sa sarili ko, malungkot talaga ako. Masakit sakin na yung inaakala kong masayang pasko para samen ngayon taon eh hindi nangyari. Sobrang bigat sa puso. Wala naman akong anuman mahihiling this christmas kundi yung parati kong ipinagdarasal sa Diyos nuon pa. Sana magka work na ko at good health para sa family ko.

Good health para naman humaba pa ang buhay nila at bago man lang sila mawala ay mabigyan ko sila ng magandang buhay pag nagkatrabaho na ko. Sana naman sa pagpasok ng darating na bagong taon bagong pag-asa naman. Mag-iba naman sana ang ikot ng mundo. Sana swertehin naman ako in terms of career. Yun lang ang christmas at new year’s wish ko wala ng iba.

- December 21-24, 2009 9:07pm

0 comments:

Post a Comment