January 4, 2010

through it aLL

minsan, sa dami ng mga taong dumarating sa buhay naten, di na naten napapansin yung mga nawawala. Siguro ganun talaga. Sabi nga nila, ‘walang permanenteng nagtatagal’. Pero kung tutuusin tayo ang nagdedecide kung sino ang mananatili sa buhay naten at sino yung mga dapat nang iwanan.

In spite of all, there’s always a certain reason why a certain thing takes place. Kahit ako nuon may dahilan kung bakit kailangan kong umiwas. Hindi ko lang masabi sa iba, dahil kahit ako sa sarili ko, hindi ko matanggap ang dahilan. Siguro masyado rin umiral ang pride ko dala ng immature thinking. Pero nagpapasalamat parin ako sa kabila ng lahat ng nangyari nuon, eto ako ngayon. I became a better person with a better perspective in life. Mas malawak na pang-unawa ko. Ngayon kahit inaamin kong mapride parin ako, atleast maluwag na sakin tanggapin pag may mga pagkakamali ako. Isa pa, hindi rin ako ganun kalakas para magdala ng sama ng loob sa luob ng mahabang panahon.

Now, we’ve came to crossed paths. At alam komg hindi lang ito basta nagkataon. Madalas ko ng makita ng personal ang ilan sa kanila, kabilang pa ang isa sa pinakamalapit kong kaibigan nuon. Minsanan ko narin makapalitan ng messages ang iba. On specila occassions I never thought na makakasama ko pa sila. Kahit simpeng companionship nalang ang lahat, walang dudang masaya parin ako. Hindi na nauungkat ang nakaraan. Isa pa, may kanya-kanya na kaming buhay at marami narin ngabago.

What important is the chapter that has been opened in our lives once more. Sabi nga nila… ‘cherish your old friends for they are like wine. The older, the better and sweeter.

0 comments:

Post a Comment