January 4, 2010

Let it aLL in

Sobrang sama ng loob ko ngayong gabing ‘to at sa tuwing napapaisip ako. Kaya hangga’t maaari, iniiwasan ko mag-isip ng kung anu-ano. Sa totoo lang, hindi madaling sumulat kapag masama loob mo. Magandang outlet din naman ang isulat ang nararamdaman mo pero mas mainam parin kung may masasabihan ka para napag-uusapan. Bukod dun, pwede rin umiyak paminsan-minsan.

May mga ilang bagay lang talagang nakasasama ng loob. Una, gusto kong patuloy na magtiwala pero unti-unting winawasak ng oras ang pag-asa ko. Hangga’t maari ayoko sanang sumama loob ko sa nangyayari dahil gusto kong paniwalain sarili ko na lahat ng bagay kaya nangyari dahil may dahilan.

But at the end of the day, pag mag-isa ko, naiisip ko na baka niloloko ko nalang sarili ko. Higit sa lahat, nanghihinayang ako sa panahon at oras na dumaraan kasabay ng mga pangakong hindi ko pa nagagawang tuparin.

FROM MY POINT OF VIEW, I just feel so sad and upset. Pero ano bang magagawa ko but to let it all in. It is just so hard to see the benefit when you are in pain.

- november 5, 2009 10:22pm

0 comments:

Post a Comment