January 4, 2010

ang NOMO, finally

Nearly 6 months. Its been a while since we had that night. As if it was never new. Same old nomo. Siguro umunlad lang kame ng konte in terms of pulutan? haha!

Nandun padin yung mga classic punchline na gasgas na pero pumapatok parin at syempre, tirahan sa mga taong pasensya na napag-uusapan lang. hehe..

Same old nomo na alam kong once in a while hahanap-hanapin ko at mamimiss ko. Ang totoo, hindi lang naman yung nomo talaga. It’s about being there when it happens—friendship presence. Sa konting oras na makakasama ko sila, na pinadadali pa ng ikot ng tagay, maiisip mong marami pa sanang mapag-uusapan pero kalaban mo yung oras at hilo na dala ng alak. Not being too emo, itong mga taong ‘to yung gusto ko sanang makasama hangga’t kaya ko pang uminnm sa pagtanda ko. Sila, tsaka yung iba pang mga tao na gusto ko sanang manatili sa buhay ko.

Sayang nga lang di kame kumpleto kagabi. Sana next time madagdagan naman. Pero ok nadin yun wala yung iba.

Pamatay na banat nga: ‘ang saya namen, wala ka!’

Reading between lines: ‘pero syempre mas masaya kung nandun ka!’

Yun un eh. haha! cheesey..

Yung mga ganung moment hindi ko yun makikita sa ibang bansa o sa distrito ng Makati o Ortigas. Yung happiness na alam kong sa kanila ko lang mararamdaman dahil hindi kayang ibigay ng career gaano ka man maging successful sa linya mo. Eh lalo naman siguro sa langit nuh. Beer nga daw wala dun eh, grandma pa kaya?? hahaha!

At feeling ko talaga langit ang tuloy ko diba!?!Kumusta naman.

FROM MY POINT OF VIEW, friendship really valued and friends are worth. Keep them close as you can and stay for long. Aja!

- november 7, 2009 7:14pm

0 comments:

Post a Comment