February 1, 2016

Bread and Butter

Posted by CHRISTIAN on Monday, February 01, 2016 in , | 1 comment
yays! 
this month’s my 7th year in our company. 7 fruitful years.
wow! ang bilis ng oras.
parang kelan lang nung nag apply ako dito. ang bagets ko pa nun. lol
i was vacant for a year after I graduated college.
i finished Office Management.
sobrang hirap maghanap ng trabaho. the competition is very high and the difference between qualified applicant over the other is so slim.

there were plenty of offers way back in Makati and Ortigas but of course, may mga dapat ka din iconsider when getting a job.
salary is essential, benefits next and other things as well.
ako kaya hindi ko matanggap yung offer sa Makati and Ortigas kasi napakalayo from where i live. 
i live in binondo.
hindi sa maarte or choosy pero kasi pagod at oras din ang sayang.
not to mention the heavy traffic during rush hours.
yung 2-3 hours travel everyday (including traffic going to and from) na nasayang which is sana nasa bahay ka na at nagpapahinga.
nakikita ko pa nga lang yung haba ng pila sa mrt or lrt nanlulumo na ko eh.
pila palang yun. paano pa sa loob mismo ng tren siksikan pa.

so what i did was send resume on-line, wait for calls then decide depending on proximity. proximity na hindi naman tipong paglabas ko ng bahay andyan na yung trabaho.
what i mean is kahit may kalayuan, ok lang basta hindi toxic ang byahe at hassle-free.
i also tried call centers but to tell you honestly, hindi ako nakakapasa. hahaha
ewan ko ba. twice yata ako nag attempt tas after nung 2nd failure, nanahimik na ko.
sabi ko baka may nakalaan talaga para sa akin.

and true enough flash forward 7 years, here i am.
working in a private tertiary hospital somewhere in Northern Manila as a Quality Assurance staff.
wayback 2013 was the turning point of my career.
in less than four years, i was appointed as Document Control Custodian.
God bless me, i must have done something good! :)
in ISO language, i oversee the overall operational (non-medical) records and documents of the entire hospital.
yes, it’s done by me and me alone.
dito ako nakaranas na may mawala lang na isang papel hindi na ko makatulog sa gabi kakaisip. hahaha

i was featured way back 2014 Q2 issue of our company magazine.
at tinakpan ko pa daw. nagpapaka private. hahaha


hindi ko nga ineexpect na magtatagal ako dito. yung kasabihan na kung sino yung parating walang bukang bibig kundi “magreresign na ako” sila pa yung kadalasan nagtatagal.
my friends always teased me to leave my company right now for i am not getting any younger and that i should settle for good like working in the government.
i am a civil service passer for both sub-pro and pro level.

well honestly, mas malaki naman talaga ang sahod sa government compared sa trabaho ko ngayon. and the benefits there are huge.
kaso nga lang kasi palakasan system sa gobyerno. kailangan pang may mamatay bago ka makapasok sa plantilla. hahaha
minsan nga formality nalang yung job vacancy na inaannounce nila dahil ang totoo, may mga tao ng naka line up sa mga posisyon na yun.

hindi naman ako entirely after sa salary. yes, importante talaga ang sweldo lalo na kung breadwinner ka. but for me na mama ko at tita ko nalang ang kasama ko sa buhay, a reasonable decent pay would do. hindi rin naman kasi extravagant ang lifestyle ko. ang mas importante sakin, gusto ko ang work at okay ang mga kasama ko sa trabaho. ang hirap kasi magtrabaho pag hindi mo feel ang mga kasama mo.

may perks din naman magtrabaho sa hospital. do i need to elaborate? hahaha
syempre medical assistance. hospitalization and medical services which is extended to family members or dependents.
not to mention, marami din akong natutunan na mga medical information. feeling ko pag nagtagal pa ko dito baka papasa na kong residente. chos!
may lagnatin nga lang sa bahay namin pinakukunan ko na agad ng dugo at kung pwede iconfine na agad. hahaha

this year, my career goal to is to enroll my Master’s Degree.
the hospital has an affiliated University where i can get my Masteral.
that's another perks that my company offers. educational assistance which includes discounts on tuition fees and miscellaneous to course of choice.
i have always plan this for so many times way back pero minsan na se set aside because of other important priorities coming in the way and sometimes nakakatamaran. hehehe
saka pag inlove ako natatanga ko. hahaha
nawawala ako sa wisyo ko. lol

well, will see.
i hope i can make it this time.
wish me luck!



christiansantamaria

January 30 &  February 01, 2016  hospital

1 comment:

  1. Congratulations sa 7 years! Tehrey na-feature ka, ang lakas maka-celebrity hihi. Good luck sa goal mo :)

    ReplyDelete