February 29, 2016

A Short Escape

Posted by CHRISTIAN on Monday, February 29, 2016 in , , , | 4 comments
so i’ve been away for almost a week for a short vacay (yes, i had an early vacation) in Tumauini,Isabela.
actually, sabit lang naman ako dun ng friend ko. Isabela kasi ang province niya at nagkataon na pyesta sa bayan nila ng Feb. 24 kaya isinama ako.
ang bilis ko yayain noh? easy to get kasi ako eh. charot.
and since 25 falls a holiday, might as well spend the rest of the days there till Sunday.
sinulit na namin kumbaga.
however, we no longer decided to visit nearby provinces since baka kulangin ng oras (at salapi).
kasi naman it’s not really a planned vacation trip. we visited his family and relatives there.
well technically, wala naman masyadong ganap dun. wala naman masyado makikita sa Isabela. not a tourist destination kumbaga.
so, wag mag expect ng maraming pictures dahil hindi ito travel vacation post. hehe
saka hindi din ako nagpipi-picture dun other than few selfies.
hindi rin kami maka aura dahil puro elders ang kasama namin sa bahay. haha

dun kami nakituloy sa mga tyahin niya at sila ang nagpakain sa amin during our entire stay.
ang malas nga lang sa limang araw na pananatili namin dun, halos 3 araw din ang pag-ulan!
may balat yata ako somewhere.

Ilocano ang dialect nila. yung kaibigan ko marunong mag Ilocano kasi dun siya lumaki.
pag naguusap usap sila, nakatanga lang ako or minsan pretentious na nakatingin sa malayo since hindi ko sila maintindihan. hahaha
pag nakakaramdam sila na nakatingin lang ako, nagsasalita sila ng tagalog para maunawaan ko.

ang galing din siguro pag may alam kang dialect kahit isa man lang. ako kasi lumaki na ko sa Maynila. bikolana ang mother ko at tagalog naman ang father ko.
hindi naman ako marunong mag bikolano. sa bahay kasi tagalog na magsalita si mama ever since kaya hindi na din ako natuto.

ok naman ang experience. it’s a breath of fresh air. literally and figuratively.
nakalayo ng ilang araw sa trabaho at sa maingay na NCR.
sa mga tao naman, i can say na mababait at very hospitable talaga ang mga Ilocano. hindi lang dahil sa bisita ako ng friend ko.
pati na din ang mga tao na nakasaluha dun ko in general.
i guess ganun talaga sila kasi i’ve experience the same treatment when i went to Ilocos way back.
paborito ko ang dinengdeng nila at dinakdakan.


                                                                 (c) google image - dinakdakan                                        (c) google image - dinengdeng



sympre, pati na rin ang mga Ilocano. hahaha
charot.

seriously, i love their complexion. ang lakas lang maka lalake. may sex appeal sakin. hahaha
gusto ko kasi yung very pinoy na kulay. tipong kayumanggi talaga.
Borgy Manotoc say for sample.

(c) google image

anyways, that's enough! nabubusog na ko. puro ulam na nakikita ko.
ang sarap lang umuwi sa probinsya. minsan nga iniisip ko pag tumanda ako mag sesettle nalang ako sa province.
nakakamiss din ang simplicity ng probinsya.
typical province lifestyle na siesta at konting tagay sa gabi sa bakuran ng bahay.
yun na ang pinaka nightlife namin dun. hahaha
pero pag naiisip ko yung bagal ng takbo at kapayakan ng buhay, nakakabore din naman. hahaha
inisip ko nga  siguro pag nagtagal pa kami, dun na mag si-sink in ang boredom sakin.
but i think it’s a matter of adjustment.

so heto, balik na uli ng Manila.

pagdamutan nyo na itong selfies ko. actually marami pa yan pero baka maumay kayo sa puro muka ko :-D





my friend. one of my confidant way back college days.
been barkada for 11 years now.
thanks for having me in Isabela, Lon :-)


so that's it!
yun lang... :-)



christiansantamaria


February 29, 2016  hospital

4 comments:

  1. Post more pics about the place :) Seems like an interesting place to visit

    ReplyDelete
    Replies
    1. it's not as "interesting" as it seems. hahaha
      joke lang ;-)

      Delete
  2. Maka-elders naman hahaha :)

    Nung nag-uusap sila gamit ang kanilang dialect, may instance ba na nakitawa ka na lang kahit di mo naman sila gets? Hahaha, na-imagine ko lang.

    Mukhang enjoy pa rin naman ang short vacation mo na kahit pa inulan kayo ng 3 days :)

    At tama ka, minsan hinahangad ko rin yung pagiging simple ng buhay sa province pero kapag nasanay ka na siguro dito, parang gugustuhin mo lang yung buhay sa province just for a short while, parang have a break have a kitkat ganyan :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha
      ou nakuha mo!
      may mga moments na nakangiti lang ako pag nagtatawanan sila. lol

      yeah. break break lang pag may time.
      escape escape ganyan ;)

      Delete