August 9, 2012

para sa isang kaklase, kasama, kaibigan

Posted by CHRISTIAN on Thursday, August 09, 2012 in , | 7 comments
August 7, 2012.

ito marahil ang pinakamalungkot na pangyayaring naganap sa aming magkakaibigan.
habang sinusulat ko ito ay nasa proseso pa din ako ng pagtanggap sa mga bagay-bagay at patuloy na nagdadalamhati ang aking kalooban...

---------------
habang halos ang karamihan sa atin ay nanatili sa mga bahay dala ng matinding ulan ng araw na 'yon, isang nakapangingilabot na balita ang aking nasaksihan sa tv tungkol sa landslide na naganap sa Litex-Fairview na kumitil ng mga buhay ng isang pamilya. ang Baylon Family.

source:http://www.rappler.com/nation/special-coverage/weather-alert/9985-landslide-in-fairview-kills-1,-buries-8

isa sa mga biktima ng nasabing pagguho, si JESSICA BAYLON ay isa sa aking mga barkada nung kami ay nasa kolehiyo pa. bagaman may kanya-kanya na kaming buhay ngayon, tulad ng isang barkada ay patuloy pa din ang aming ugnayan magkakaibigan kahit hindi na tulad nuong nag-aaral pa kami.
nakalulungkot ang pangyayaring ito para sa akin, sa aming mga kaibigan niya, higit lalo sa kanyang pamilya at mga naulila.
hindi namin inaasahan na sa ganitong paraan siya, sila, mawawala at sa ganitong kabilis na pangyayari.
higit na masakit tanggapin ay ang pagkawala kasabay niya ng kanyang tatlong anak (Castulo's) na nasama sa nasabing trahedya.

dahil naniniwala naman ako na may Diyos, iniisip ko na lamang na ang lahat ng mga bagay at pangyayari ay may dahilan. na ang mga pangyayari sa buhay ng tao, masaya man o masaklap ay sadyang kailangang pagdaanan...
sa kung anumang dahilan, Siya lamang ang nakaaalam. basta ang nakatitiyak ako, hindi Niya tayo pababayaan...

hanggang sa ngayon, hindi ko mawari kung anung nararamdaman ko sa pagkawala ni jek. alam kong malungkot ako, pero parang hindi pa din ganap na tanggap ko na wala na siya...
para bang kahit sa mga oras na ito, sa mga sandaling ito, para bang alam ko na kahit hindi kami nagkakausap ng mahigit isang buwan na, hindi nagkikita ng halos kalahating taon na, kung iteteks o tatawagan ko siya alam kong sasagot siya...
para bang pag nagcomment ako at binara-bara ko na naman siya sa mga status niya, alam kong sasagot siya...

marahil, sa pagdaan ng mga araw, unti-unti marerealized ko din na talaga ngang iniwan na niya kami.
wala ng sasagot sa mga teks at tawag, wala ng sasagot sa mga pambabara ko, wala na rin magkwekwento ng mga paulit-ulit na mga problema niya sa buhay na kung minsa'y kinayayamutan ko na...

minsan sa buhay ko, mamimiss ko ang lahat ng 'yon.
sa mga darating na araw, na magkikita-kita kami na mga kaibigan mo, minsan sa buhay namin mami'miss namin at paguusapan ang mga alaala nung magkakasama pa tayo...




mamimiss ka namin jek. mahal ka namin lahat ;(


para sayo 'tong kanta na 'to ;(
alam mo naman idol ko yang babaeng yan, diba?
lab yah!
RIP...











[christiansantamaria]


August 9, 2012, hospital

7 comments:

  1. sigh. kuya parang di totoo.. ayw ko maniwala.. sigh.. nakakalunkot talaga :(

    ReplyDelete
  2. sad sad sad sobra .. condolence

    ReplyDelete
  3. sad:[ naalala ko best friend kong namatay din

    ReplyDelete
  4. Sorry kung ngayon lang ako nagcomment dito. Last time i tried reading this, I immediately closed the window. I never liked the thought of losing a bestfriend. Because if I lose my bestfriends I'll be very devastated. But sometimes in life, kailangan din natin matanggap na dadating talaga yan.

    Condolence. May you find peace in God's love. I hope may dumating ka pang mga kaibigan, kahit na we both know no one else can really fill that vacant seat. All we can really do is move on.

    ReplyDelete
  5. kaka-touch...wherever she is now... i hope she's happy..

    ReplyDelete
  6. soBRANG LUNGKOT NAMN..... iyak talaga ako sa kantang ito at... sa kwento... na touch agad ako sa pag basa ko ...:)) i hope nga happy ka rin sa heaven..










    ReplyDelete