May 31, 2012

ang sarap maging bata

hindi ako nakakatiyak kung kailan ba ang eksaktong Children's Day dito sa Pilipinas. ang alam ko, iba-iba ang petsa nito depende na rin sa bawat bansa. hemingways, may kinalaman kasi sa mga bata o pagiging bata ang entry ko ngayon kaya naman nabanggit ko lang. hehehe

ooooooooooo O ooooooooooo

noong linggo ng hapon habang umuulan, tahimik kong pinanunuod ang mga batang sarap na sarap sa pagtatampisaw sa lakas ng ulan.
naisip ko bigla.. ang sarap maging bata.
sa umaga, gigising kang nakahain na ang almusal. papasok sa eskwela.
pagdating ng hapon nasa kalye ka na at naglalaro ng tumbang preso, patintero, piko o kaya naman 10-20 (yes, naglaro ako neto), mata-mataya at kung anu-ano pang wagas makahingal na mga laro.
aantayin mo nalang kung kailan ka tatawagin para kumain ng hapunan.
halos sa araw-araw na ginawa ng Diyos ganun yata ang takbo ng buhay nung bata ako.
aral..  laro..  aral..  laro..
lahat ng kailangan ko nakahanda na. preparado na.
mula sa damit na isusuot hanggang sa pag-upo mo sa lamesa wala ka ng iintindihin kundi ang kumain nalang.
ni hindi mo na iisipin kung sino ang tokang maghuhugas ng pinggan.

ngunit sa kabila ng lahat ng kawalang muwang at pakialam na ito, anu nga ba ang tunay na esensya ng pagiging bata? simple lang ang sagot para sa akin.
ito ay ang pagiging malaya.
malaya dahil wala kang anumang iniisip na isyu at suliranin sa buhay.
na ang ilan lamang sa mga bagay na nagpapahirap lang sa iyo ay ang pagdedesisyon kung anung damit o sapatos ang susuotin at ipapabibili sa magulang mo.
o hindi naman kaya ay ang pagiisip ng paraan kung paano ka makakatakas sa tanghaling tapat upang makapaglaro kasama ng mga kaibigan mo dahil ayaw nyung matulog sa tanghali.
malaya dahil wala kang muwang. at ang walang muwang ay inosente.
at ang inosente at ligtas sa anumang pananagutan at mabibigat na responsibilidad.
malaya. sa pinakamababaw ngunit pinakamakatotohanag kahulugan..

sabihin pa, kaakibat ng lahat ng ito ay ang mga KARAPATANG PAMBATA (Children's Rights)  na pumoprotekta sa iyong kamusmusan. mga karapatan na nagbibigay sa iyo ng higit na kalayaan upang matamasa at maranasan ang mga bagay na minsan mo lamang makakamit dahil lahat naman ng tao ay dumarating sa pagtanda.
sa lahat ng mga karapatan na ito, dalawa dito ang pinakamahalaga para sa akin at hinding hindi dapat mawala o ipagkait. ito ay ang:


karapatan makapag-aral
(access to free schooling)
– sana dumating ang panahon ang lahat ng mga bata dito sa Pilipinas ay nakatitiyak na makakapagtapos ng kolehiyo. hindi lang basta makapagaral kundi makapag tapos. mataas ang literacy rating natin kumpara sa ibang karating bansa. subalit, iilan lamang ang nakakapagtapos ng kolehiyo dahil sa kahirapan ng buhay at syempre, hindi sapat ang badyet ng pamahalaan upang lubos na tustusan ang pangangailangan ng bawat bata sa mga pampublikong paaralan.



karapatang makapag laro
(right to play and recreation)
– sa tingin ko hindi ko na ito kailangan pang ipaliwanag. anu pang esensya ng pagiging musmos kung ipinagkait sa iyo ang karapatan na ito? ang maglaro sa gitna ng ulan, magpawis sa sikat ng araw, umakyat sa mga puno, at iba pa. hindi ako nakatitiyak kung lahat ng mga sinabi ko ay nangyayari pa kahit sa probinsya.
sana lang, sana talaga, may mga bata pa din na nagagawa ang lahat ng ito. sa panahon ngayon na cybergames at social networks na ang bagong sports ng mga kabataan, ilan pa kaya sa kanila ang naranasan ang totoong mga laro ng isang musmos?

isang beses lang tayo dadaan sa pagkabata. maaaring manatiling mga bata ang ating mga puso (wag naman sana pati isip) subalit, iba pa rin ang kasiyahan at kalayaan na minsan natin lahat naranasan nung tayo ay mga walang muwang pa at walang pakialam sa lahat ng bagay...


ikaw? namiss mo rin ba ang maging bata?



[christiansantamaria]


May 31, 2012 hospital

May 13, 2012

si mama

bago ang lahat ay nais ko munang batiin ang lahat ng mga ilaw ng tahanan.
sa lahat ng mga ina, dalagang ina, NaTay, mudra, ermats, mommy, nanay, at kung anu-ano pa. bagama't alam kong hindi lahat tayo ay pare-parehas ng karanasan, nararapat pa rin naten silang bigyan ng kaukulang respeto at pasasalamat.

at dahil Mother's Day, i specially dedicate this entry sa aking ina.
ma, sana mabasa mo ito. pero i know walang chance.
unless ipabasa ko sayo. hahaha
base sa page views, bukod sa Pilipinas karamihan ng readers ko ay english-speakers (Amerikano at Russo).
pero para mabilis maunawaan ni mama at maintindihan nya, heto't nag tagalog ako just in case mabasa niya. lol

hemingways, nais kong ipakilala sa inyo ang pinakamahalagang babae sa aking buhay, si mama.




masarap magluto si mama. bicolana siya kaya naman hindi na yun nakapagtataka. nung bata pa ako natatandaan ko, meron kaming canteen sa Taft Avenue sa Maynila. parokyano nya nuon ang dating sikat na Easter Telecom, PLDT at ilang mga college students na malapit sa pwesto namin.
wala akong narinig na nagsabing hindi nila nagustuhan ang luto ni mama.
sa katunayan, kapag may mga malaking handaan sa aming lugar, kadalasang kinukuha ang serbisyo niya upang magluto.
kaya naman kahit nung elementary palang ako, sa tuwing christmas party, lagi kong binibida si mama para magluto.

magaling din maghilot si mama. wala naman siyang formal training sa TESDA or kung saan man kaya’t hindi ko mawari kung paano niya natutunan ang manghilot.
at tulad ng pagkuha sa kanyang serbisyo sa pagluluto, kilala din si mama sa aming lugar bilang manghihilot. gamit lang ang efficascent oil, hinihilot nya ang mga may pilay, masasakit ang katawan at kung anu-ano pa. makaluma man kung tutuusin ang ”hilot”, may mga ilang Pilipino pa rin ang nakasanayan ang ganitong paraan. ang dinig ko sa mga nahilot niya, magaling daw maghilot si mama at gumagaling/gumagaan naman ang pakiramdam nila.
dahil dito natutuwa naman ako bagaman may ilang mga pagkakataon na nagtatalo kami dahil pakiramdam ko minsan binabarat na siya ng ibang mapagsamantala. saan ka naman nakakita na 50 pesos buong katawan ang pinahilot??
kamusta naman yun!
paa pa nga lang pinamassage ko sa spa, 300+ na.
hindi kasi nagprepresyo si mama. bahala na kung magkano ang ibigay sa kanya.

sa ngayon ay malapit na sa dapit-hapon ng kanyang buhay si mama. pinagkakaabalahan nalang niya ay ang kanyang mga apo sa aking ate. dalawa lang kasi kaming magkapatid at ako ang bunso. siya na halos ang tumututok sa pagaaral ng mga apo niya kaysa sa ate ko.
alam kong ’yon ay kaligayahan na niya.
na makita ang kanyang mga apo na makapagtapos ng pagaaral tulad nung pinalaki niya kami ni ate at pinagtapos ng pag-aaral. hindi nakapagtapos si mama ng elementary kaya’t lagi niyang sinasabi na yun lang daw ang kaya nyang ibigay sa mga apo niya dahil wala naman daw siyang pera na pwedeng ipamana kundi edukasyon.

mabuti nalang nga at hindi nya ako natatanung kung kailan ko siya mabibigyan ng apo. lol
hindi pa kasi alam ni mama na babae anak niya. hahaha
seriously, sa tingin ko hindi ko naman na kailangan aminin pa kay mama ang tungkol sekswalidad ko. alam ko sa sarile ko na alam naman na nyun, o kung hindi man, kahit papano may ideya siya.
25 years ko siyang kasama kaya heller wag siyang mag play dead! hahaha joke :)

"mama, maraming salamat sa lahat, at pasensya na sa mga pagkukulang ko bilang isang anak. marami na tayong pinagdaanan. i love you at sana ay manatili ka pa ng matagal sa tabi ko dahil kailngan pa kita... ng mga apo mo... at ng mga taong nagmamahal sayo... "


muli, happy mother's day po sa inyong mga nanay o kinikilalang nanay!


[christiansantamaria]


May 13, 2012 hospital