February 2, 2012

para kay kuya mario

Posted by CHRISTIAN on Thursday, February 02, 2012 in , | 5 comments
maliban sa pangalan niyang 'mario' na hindi ko nga alam kung tunay o alyas lang, wala na akong ibang alam tungkol sa kanya.
tambay kasi si mario sa aming lugar. bagaman madalas ko silang nakikita ng mga tulad nyang tambay na nagiinuman sa may kanto, hindi naman sila nanggugulo o sakit sa ulo ng barangay.
sa hinuha ko, nasa 28-29 ang gulang nya base sa pangangatawan.
dinaraanan ko ang kanto kung saan sila nakatambay kaya naman madalas ko siya/sila nakikita tuwing papasok ako o pauwi galing trabaho.
minsan, nabalitaan kong nasaksak daw si mario at malubha ang lagay sa ospital. kung bakit nasaksak ay hindi ko na matandaan. nakalimutan ko na kasi at isa pa ay wala naman akong pakielam.

hindi naman kase ako nalabas ng bahay. sa maniwala kayo o hindi, bagaman kilala ko na halos sa muka ang lahat ng tao sa lugar namen, wala akong kaibigan o nakakausap man lang ni isa. taong-bahay kase ako.
umaalis ako ng alas syete ng umaga at uuwi ng alas otso/nuebe ng gabi.
araw-araw na ginawa ng Diyos, yun ang sistema ko.
sa tuwing off naman, maghapon lang ako nagkukulong at nagpapahinga sa bahay maliban nalang kung may mag-aaya ng gala sa aking mga kaibigan.
ipinauubaya ko nalang sa butihin kong ina ang mahusay na pakikipag kapwa-tao sa aming lugar kaya naman kilala sya sa amin.

---
balik tayo kay mario...

wala akong anumang kaugnayan kay mario (totoo). hindi kami magkaibigan, ni magkakilala man lang. ang natatandaan ko lang, may ilang mga pagkakataon na nagkakatinginan kami.
kung bakit, aaminin kong ako kase ang unang tumitingin sa kanya. may itsura kase si mario kumpara sa ibang kapwa nya tambay sa lugar namin. ganunpaman, hindi naman nya ako inaway, kinompronta o tinanung man lang sa mga tinginang 'yon.
maliban sa pagtingin tingin ko sa kanya, hindi sumagi sa isip ko na pagpantasyahan siya.
ilang araw ang lumipas, nang minsan pauwi ako, nakita ko na naman silang nagiinuman sa kantong 'yon. kaya naman naisip ko na baka ayos na ang lagay nya at nalampasan nya ang insidente ng pananaksak sa kanya.

hanggang isang araw...

nabalitaan kong binawian na sya ng buhay. medyo nagulat ako pero hindi naman apektado.
ang sabi, binangungot daw. pero sa palagay ko, malamang ay naabuso nya lang ang katawan nya matapos ang operasyon nya nuong nasaksak sya.
marahil ay nagkaroon ng kumplikasyon ang halos gabi-gabing muli nilang paginom sa kalagayan nya.

kahapon...

nanaginip ako. pauwi daw ako galing trabaho at tulad ng nakagawian, dumaan ako sa may kanto. kitang-kita ko at malinaw sa panaginip ko na nakaupo si mario sa tambayan nila. sya lang at wala ang ibang kasama nya.
pag daan ko, katulad ng kung gaano sya kalinaw sa panaginip ko, nagsalita sya ng malinaw sa pandinig ko;

"hindi mu man lang ako sinilip..."

pagkatapos ng sinabi nyang yun ay nagising ako. hindi ako nanlalamig at wala akong naramdamang anuman takot sa katawan. pag tingin ko sa relo, alas sais pasado na ng umaga at kailangan ko ng mag gayak papasok sa trabaho. kwinento ko sa mama ko ang panaginip ko. nagulat sya at nagsabing;
"naku. totoo pa naman ang mga ganyan (pagdalaw sa panaginip). dumaan ka muna ngayon duon kasi ngayong araw ang libing nya..."

nabigla ako. tila ba sinadya ang lahat. ang pagdalaw nya sa panaginip ko ay tyempo sa oras ng paggising ng pagpasok ko at tila sinabihan nya ako na dumaan man lang muna sa kanya dahil ngayon na ang araw ng libing nya.
ilang araw din kasing nakaburol si mario sa lugar namen subalit di ko pinapansin sa kadahilanang wala naman nga akong kaugnayan sa kanya.
pero nakapagtatakang binisita nya ako sa aking panaginip. hindi talaga ako makapaniwala.
kaya't ng umagang 'yon mismo bago ako pumasok ay sinilip ko sya. tinignan ko ang kinalalagyan nya at nagsalita sa aking isip;
"ayan kuya mario, sinilip na kita ha? ingat ka san ka man naroon..."

ang paliwanag ng aking ina, marahil daw ay nais nyang kaibiganin ako, o gustong makipagkilala nuong sya ay nabubuhay pa. baka gustong tanungin kong saan ako nagtratrabaho o gusto ako makainuman.
isang paliwanag na tinanggap ko nalang dahil kung tutuusin, wala rin naman ako maisip na dahilan kung bakit sya nagpakita sa panaginip ko...


R.I.P mario.


[christiansantamaria]


February 02, 2012 hospital

5 comments:

  1. marahil lihim ka din niyang sinusulyapan noong nabubuhay pa siya hehehe.

    ReplyDelete
  2. @aboutambot haha ganun? di naman po siguro. baka gusto lang makipaginuman :)

    anyways, salamat nga pala ha? lagi ka kase dumadaan dito. thank you :)

    ReplyDelete
  3. weee.. katakot pa namang dalawan ng patay... na di kilala

    ReplyDelete
  4. @kiko hehe sabe ko nga maayos naman ang pakiramdam ko sa kabila ng pagpapakita nya sa panaginip ko.
    kaya sa tingin ko mabuti ang intensyon nya.
    mas matatakot ako kung literal na pagdalaw na nya ang magaganap.... na wag naman sana.

    ReplyDelete
  5. base sa kwento mo mukha namang mabait si Kuya Mario. RIP kuya. Baka nga gusto ka din nya kaibiganin dati pa :-)

    ReplyDelete