December 27, 2011

mahal kong 2011

Posted by CHRISTIAN on Tuesday, December 27, 2011 in | No comments
parang kailan lang nung dumating ka.
ang bilis talaga ng panahon heto't paubos na ang mahigit tatlong daang araw mo.
ang totoo, kinabahan ako nung nalaman kong Year of the Rabbit ka.
sabi kasi sa Chinese Zodiac,  malas daw at hindi maganda ang taon na ito para sa mga isinilang sa kaparehas na taon.
pero ngayon,  may dahilan na ko paa hindi maniwala sa mga manghuhula.
hindi ko na maalala kung saan banda pero siguro nga hindi ako naging maswerte sa ilang mga bagay.
pero walang-wala yun kung ikukumpara sa mga biyaya na natanggap ko at dapat ipagpasalamat sa Diyos.

bawat taon, iba't ibang tao.  iba't ibang karanasan.
sa loob ng isang taon, masaya ko na may mga natutunan na naman ako sa ibang tao,  at may mga naibahagi din naman ako sa kanila.
wala ng gaganda pa na maging kabahagi ng buhay at karanasan ng iba,  sa kasiyahan man o kalungkutan.

maraming mga oportunidad at mga kwentong nagawa nung dumating ka.
sa pag-alis mo, sana hindi rin ito nangangahulugan ng pagsasara ng ilang kabanata na sinusubaybayan ko.
ganunpaman kahit aalis kana,  huwag kang mag-alala dahil hindi kita malilimutan kasama ng mga alaalang pinagsamahan natin dito sa puso ko.
paminsan-minsan kong gugunitain ang sayang idinulot mo at pati na rin ang mga lungkot ng lalong nagbigay sa akin ng dahilan para maging matatag at magpatuloy.

paalam na...hanggang sa muli.


[christiansantamaria]


December 27, 2011

0 comments:

Post a Comment