November 24, 2011

pusong naghihintay

Posted by CHRISTIAN on Thursday, November 24, 2011 in , | No comments
ilang oras na ba ang pinakamahaba mong nahintay para sa isang taong nagpasabing darating sya basta't male'late lang ng konti? hmm...gaano kaya katagal yung konti?
naaalala ko, 3 oras ako naghintay sa isang babae (hindi ko pa sya bestfriend nuon), na nakiusap na wag akong aalis dahil darating sya anuman ang mangyari.
sa totoo lang, hindi masayang mag-antay. nakakabagot. nakakainis. nakakaasar.
ganunpaman, nakahanda pa din tayo magsakripisyo dahil pinanghahawakan naten ang pangako ng iba.
syempre, hindi rin naman tayo mag tya-tyagang  mag-antay kung walang halaga o importansya sa atin ang taong hinihintay.
minsan sa paghihintay naiisip ko, "bakit kaya hindi ko nalang iwanan 'to?" o di kaya napapasalita ako ng, "sabihin mu nalang kung darating ka o hindi para di ako mukang tanga dito na nag-aantay..."

pero naisip ko, sana ganito din ang paghihintay sa taong gusto natin mahalin pero kailangan maghintay ng tamang pagkakataon.
yun bang tipong oras lang ang bibilangin. pero mukang malabo yun. napakalabo.
may iba't-ibang dahilan kase kung bakit kailangan natin maghintay.
depende sa sitwasyon at pagkakataon.
meron dyan sinabihan talagang maghintay, meron pinapaasa lang, meron di naman binalaan ng wag mag abala pero nagtyatyaga pa din mag-abang.

hindi naman natin sila masisisi. lahat naman tayo, sa parehas o magkaibang paraan, ay nagawa rin maghintay para sa taong gusto o mahal natin.
totoong walang katiyakan ang maghintay sa pagmamahal na hindi pa nauukol.
hindi malinaw ang posisyon mu. wala kang pinanghahawakan kundi ang salitang binitawan ng nagpapahintay o kung di naman ay ang sariling pasya na patuloy na magmahal at maghintay kahit pa posibleng mauwi sa wala ang lahat.

isa pa, kung ang paghihintay ang tanging magagawa ng pusong umaasa, maaatim mo bang putulin ang pinagmumulan ng kanyang kaligayahan kung bakit sya patuloy na nagmamahal?

kumplikado at malawak and topic na 'to kung isusulat man na pangkalahatan o kung iisa-isahin base sa sitwasyon at karanasan.
kaya naman gusto ko itong tapusin sa pagsasabing...

walang masamang maghintay. walang masamang umasa. walang makapagsasabi kung tama ba ito o mali.
wag mu na rin alamin kung kailan dapat tumigil dahil kusa mo itong mararamdaman. hangga't may dahilan ka para umasa at maghintay, ipagpatuloy lang.
sa huli, wala kang ibang masisisi o pasasalamatan kung bakit ka naghintay kundi ang sarile mo lang...


[christiansantamaria]

November 23, 2011 residence

0 comments:

Post a Comment