August 26, 2011

buhayin ang blag na itO

OMG! (nyare nagulat talaga).

matagal ko na din hindi nabibisita ang blog na ito. obvious ba eh Feb. 2010 pa last post ko. hahaha
well, hindi ko na sana ito bubuhayin pa at gagawa nalang ng ibang blog ulit.
kaya lang naisip ko naman, sayang naman kung iiwanan ko lang. may mga napost na rin kase ako dito na sentinemental worthwise saken.

inopen ko ito nung mga panahon na wala pa kong trabaho at kasalukuyang tambay sa bahay. wala kaseng magawa at mapagkaabalahan nun kaya nagsusulat ako. hindi na ko bago sa pagsusulat.
yung tulang WRITER IN OBLIVION na sinulat ko para yun sa isang bagay na madalas ko dating ginagawa....ang pagsusulat.

well, since my last post, ayun nga naging busy na ko at hindi na ko nakapagsulat na naman for almost a year. isang taon na naman ang nasayang ko at hindi ko naisulat ang mga magaganda at di-gaaanong magagandang pangyayari sa buhay ko, at sa paligid-ligid.
nakakapanghinayang. marami pa naman sana akong gustong ibahagi (as if naman may mga readers) dito sa blog na ’to.

well, maami nangyari sa loob ng isang taon at higit pang nagdaan. baka mapuno lang ang page kung iisa-isahin kong balikan ang mga yun. basta ang masasabi ko, naging masaya ang nakaraang taon para sa akin at naway sa lahat din ng makakabasa nito.

ngayon, pipilitin ko na ulit na i’maintain ang blog na ’to. ayun lang muna sa ngayon.
aja!


[christiansantamaria]

10:18am August 25, 2011