January 4, 2010

a sarcasm of a poor

Posted by CHRISTIAN on Monday, January 04, 2010 in | No comments
iniisip ko kung ano ang pinakamagandang isulat na isyu or topic para sa unang editorial category ko. marami narin naman mga pangyayari ang dumaan at talagang worth to discuss by opinion. nandyan yung mga bagyong bumayo saten, pagkapanalo ni Pacman at Peñaflorida, isyu sa pagtakbo, pag-atras, at pagpapalit-palit ng partido ng ,mga kandidato, at yung pinaka huli at masasabing pinamasaklap na karahasang pulitikal kung saan nadamay ang mga taga-media at inosenteng sibilyan, ang Maguindanao Massacre. lahat naman ng mga nabanggit pwedeng pag-usapan. kaya lang kung lahat ng ‘yun isusulat ko, baka magmukha na talagang ‘editorial section’ ng dyaryo ‘tong blog ko. hehehe…

meanwhile, last monday nun nanunuod ako ng 24 oras, they had this segment called ‘byaheng totoo’ wherein each reporter will visit the 10 most poorest provinces of the country. kung tutuusin, it is just a typical reporting they used to do. kung di ako nagkakamali, makailang ulit narin naibalita ang tungkol sa kalagayan ng mga nabanggit na lugar. but unlike the previous reports which were more on statistical data, these are more symphatetic. each reporter carries with them a ‘notebook’ wherein they will interview a certain person, or a family, or a group of people in the respective area and will let them write down everything they want or wish they had to the ’succeeding president’ of the country. Iithink it’s a 2 or 3-minute segment.
a little statistical info, heart warming interview, and the hope that the next president will be able to fulfill what they have written in the notebook. hindi maikakaila na yung segment ay inclined sa 2010 election pero kung iisipin mo, it is really an eye opener to all of us and to the next president. how i hardly wish that every time the segment airs, presidentiables are watching. but in case they aren't, i hope that GMA7 will really make a way the next president will read the notebook.

sa twing napapanuod ko yun, i always feel bad but informed. madali kasi akong madala ng mga ganung eksena. kung yun ngang mga telenovela minsan nakakadala eh, yun pa kayang mga real-life social situations being voiced out. bawat araw, iba-ibang lugar with different focus to tackle with, like problema sa kalusugan, edukasyon, atbp.
kahapon, i couldn't help but react to what a father has said to the reporter when asked:
“kung may hihilingin po kayo sa gobyerno, ano ang hihilingin mo?”
and the father replied in his dialect:
(tagalog translated) “wala akong hihilingin. nakakahiya sa gobyerno”

can you imagine that?!? what he said shook me. this is the reason why i chose to write this topic. the reporter herself was shocked. siya pa ang nahiya sa gobyerno!?! what a slap!
sa itsura ng mamá, hindi mo masasabing nanunuya sya eh. for me it was just a mere statement...
an ignorant statement from a hopeless father. hindi ko masyado maalala pero i think he is a father of three or four. ang tumatak kasi sakin ay yung sinabi nya na hindi pa sila nakatitikim ng karne ng isda, baka o baboy o ni kanin ay hindi pa. sounds exaggerated pero anung malay naten na kung nakakakain man sila ng mga nabanggit, it’s just once in a blue moon. for long they just eat corns or maybe a sort of available veggies.

sa isang lipunang kalabisan ng maituturing ang humingi pa ng sapat sa kayang ibigay sayo, malamang iniisip nyang sagad na ang tulong ng gobyerno at wala na itong maibubuga pa kayat ganun nalang ang hiya nya!

hay…sa twing naaalala ko ang sinabi nung matanda, kung literal lang na nakapananakit ang salita, siguradong marami na ang nagkasugat. hindi lang ang mga nakaupo sa gobyerno kundi pati nadin sila, kame, tayong mga tao na nabubuhay ng maayos at marangal pero panay ang bugnot at reklamo sa buhay. hindi maitatago ang realidad na mas maraming tao ang naghihirap dito sa bansa. ‘naghihirap’ in the poorest sense of the word. at para naman sa pamahalaan, kelan kaya darating ang panahong ito naman ang mahihiya sa kanyang nasasakupan?


November 26-29, 2009 4:05pm

0 comments:

Post a Comment