January 20, 2010

kaasar yung SMART

Posted by CHRISTIAN on Wednesday, January 20, 2010 in | No comments
Kamusta naman yung SMART. November last year pa nung ngdownload ako ng fulltrack music ni Mariah. Nabawasan yung load ko ng 50 pero hindi ko naman nakuha yung content dahil habang nasa downloading process, biglang nga failed. Syempre mega complain ako sa service nila. Follow up daw after 42 hours, and then 24 hours, and then stand-by for another 24 hours dahil on-going pa daw yung report-complain ko. Nun lang yata ako nagkaron ng serious complain sa service ng SMART for so many years of being loyalat disappionted talaga ko sa paulit-ulit nilang follow-ups. Tas hanggang sa hindi na sila matawagan sa hotline 888 kahit piso lang load mu. ampf!!

Dati naman kahit oltext lang gamit mu matatawagan mu yun eh. Feeling ko tuloy it's because of me. Kaya nila yun ginawa para hindi ko na sila makulit?!? hahaha!! jowk.
At dahil nga hindi ko na sila makontak, wala na kong nagawa kundi hayaan nalang yung reklamo ko. Actually hindi naman yung 50 pesos ang minamaktol ko eh (hahaha). Pangalawang beses na kayang nangyari yun. Nun una games naman dinownload ko, ganundin nangyari. Nabawasan ng load pero di naman pumasok pero that time hinayaan ko nalang. And I cannot afford to condone another inefficient service and most of all, kanta yun ni Mariah!! hindi ko yun hindi pwedeng makuha noh! hahaha!!

Ayun until kaninang umaga paggising ko may nareceived akong message na may free link how to get the song I used to download 2 months ago. Ngaun lang nila naaksyunan yung complain ko at pahirapan pa bago madownload yung content. ampf! grabe talaga.
Well, sabi nga nila better late than never. Pero hindi naman too much late na tipong hindi ko na feel yung kanta saka ko palang makukuha diba!?!

Aready Gone na ni Kelly Clarkson ang nasa FS multimedia Box ko. hahaha!!
As of the moment, yun ang favorite ko. hehehe



January 19, 2010 10:51pm

0 comments:

Post a Comment